Rizal sa Dapitan: isang panunuring pampelikula
Direction: Tikoy Aguiluz
Screenplay: Jose F. Lacaba
Cinematography: Romy Vitug and Nap Jamir
Editing: Mirana Medina-Bhunjun
Sound: Nitoy Clemente
Production Design: Presley Ruiz and Judy Lou de Pio
Music: Jimmy Fabregas
Cast: Albert Martinez, Amanda Page, Candy Pangilinan, Rustica Carpio, Tess Dumpit, Roy Alvarez, Noni Buencamino, Chris Michelena, Junell Hernanado, Jimmy Fabregas, Soliman Cruz, Paul Holmes
Production: Movpix International, Inc.
Ang kwento ng Rizal Sa Dapitan (1997) ay patungkol sa mga huling pangyayari na naganap sa buhay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal (sa Dapitan kung saan rin siya ipinatapon). Ito ay idinirehe ni Tikoy Aguiluz na isang bunga ng Unibersidad ng Pilipinas, na kilala rin bilang isa sa mga bumuo ng UP Film Center noong 1976 at naging pangalawang director pa nito hanggang taong 1990. Ang screenplay at sinematograpiya nito ay di aakalaing ginawa noong 1997 lamang; ngunit maaaring sabihing noong mas maaga pang mga 1980’s o 90’s dahilan sa kagalingan ng pagpapalabas nito (ng pelikula) na parang luma’t panahong panahon pa nga ng yumaong bayani. Napakagaling ng mga artistang nagsipagganap sa pelikula lalung lalo na si Albert Martinez, na alam nating lahat, si Dr. Jose Rizal o kilala rin sa tawag na “Joe,” ang bansag sa kaniya ni Josephine Bracken (Amanda Page). Mahusay rin ang pagkakaganap ni Candy Pangilinan dito bilang Maria na kapatid ni Rizal. Nagampanan naman niyang mabuti ang papel ni Maria dahil naibuhos niya ng may sapat at kontrolado na emosyon ang isang eksana kung saan ay sinusumbatan niya ang kapatid dahil sa kamangmangan nitong espiha pala ng mga prayle ang sinisinta nito. Ang musika ay pinaghandaan naman ni Jimmy Fabregas na sa tingin ng ilan ay kulang para sa isang pelikulang makaluma ang tema dahil ito ay nakakaantok. Ngunit para sa akin at bilang pagpuna rin naman sa pagkapropesyunal nito sa paghahanda ng musika ng isang pelikula ( na satingin ko ay may alam naman talaga sapagkat hindi naman siya mapipili sa tungkuling iyon kung wala siyang alam), ay tama na para sa mga eksena kung anu man ang narinig. Simpleng simple lang talaga at makaluma ang tema ng pelikula.
***** DEC
NOTE: taken from my other blog and transfered here