Entries for July, 2008

leaflet           An Okinawa-Manila joint performance was held in the Philam Life auditorium last July 3, 2008, a Thursday. As an opening gala for the Philippine-Japan Friendship Month, the Okinawa Culture Association, composing of five Japanese dancers, seven Japanese musicians and two association heads, visited the Manila, Philippines for a world-tour concert featuring Japanese court and folk dances that have been developed through these years from being a culture which is very traditional, to a present high form of art that takes thorough practice for a professional and standardized music and dance that Japan keeps and can offer to the world.

             Other than the fact that the Okinawa Culture Association is just visiting for their completion of touring many parts of the world, the Japanese, as well as the Filipinos, shouldn’t forget that this month, the past interactions between two countries must be commemorated and as this was celebrated, so as the friendship building must be celebrated.

                 The friendly concert was divided into two parts where, the first part comprises of six classical court dances which lasts four to ten minutes per type. Famous court dances featured here are: Kagiyadefu (5 mins), Moto Nuchi Bana (10 mins), Munjuru (7 mins), Hanafu (8 mins), Menuhama (4 mins) and Agechikuden (5 mins). Part two on the other hand, are folk dances and it was started first by a performance of the city of Manila’s very own, the Lakan Dula High school Sining Lahi Dance Troupe with 19 years of experience attributed to the school’s faculty and staff, parents and students. They performed various highly standardized folk dances of the Philippines just like the dances of the Japanese visiting association. Some of the breath-holding executions are from the Pandanggo sa Oasioas dance, Binasuan and Tinikling among the many others.

             Organizers of this event and for the upcoming July proceedings are the Okinawa Culture Association, The Japan Foundation - Manila, Embassy of Japan – Manila, the City of Manila and the National Commission for the Culture and the Arts.

Posted by decomia on July 6, 2008 at 07:52 PM in Events | click me to reply =)

An Okinawa-Manila joint performance was held in the Philam Life auditorium last July 3, 2008, a Thursday. As an opening gala for the Philippine-Japan Friendship Month, the Okinawa Culture Association, composing of five Japanese dancers, seven Japanese musicians and two association heads, visited Manila, Philippines for a world-tour concert featuring Japanese court and folk dances that have been developed through these years from being a culture which is very traditional, to a present high form of art that takes thorough practice for a professional and standardized music and dance that Japan keeps and can offer to the world.

 

            I was late by thirty minutes on the concert so, I missed almost half of the music played. During that first thirty minutes, three classical court music-dances have begun and I was lucky enough to watch and finish the remaining three (Hanafu, Menuhama and Agechikuden) before the second part would start. The music is varied and it’s not safe to generalize japananese music. All I’ve noticed is that contrasts in sounds are essential and evocative. I have learned later on that these differences – contrasts in timbre, rhythm and pitch plays a crucial role in the effectiveness of each uniquely created and performed music.

 

Hanafu

           

Recognizing Hanafu music, which lasts 8 minutes according to the pamphlet offered to the audience, is a traditional Japanese music with repetitive beats. Most Japanese music is metrical but it’s quite hard to recognize how many beats are there in a meter. Japanese music is contrasting and that gives a certain drama or feeling per beat produced.

 

            In addition to Hanafu, a flute is played all through-out the piece and the instrument isn’t a shakuhachi bamboo flute. The flute used is a smaller one although its fundamental way of usage can be matched up to the playing techniques of shakuhachi.

 

            In the Hanafu music, the flute’s production of sound has a wide range of tones just by looking at the flutist’s hand and mouth (through blowing). Usually, flute playing have free rhythm in Japan so I guess, Hanafu is beatless and has free rhythm as well.

 

            There is also a soloist in this part and a drum is hit though not at every phrase unlike in a gamelan ensemble. I also saw a shamisen lute which is like a guitar only, shamisen is roughly square-shaped and has only three strings. The shamisen plucking in Hanafu is slow and this is also important and well-accepted because of a certain space or interval per beat which creates or gives a silence, the emptiness yet, peaceful ambience it enters in the listener.

 

 

 

Menuhama

 

            This part uses drums frequently. There were no facial expressions shown by the dancers but movements of the body are essential and hand gestures are emphasized. The music is louder than Hanafu and the rhythm is livelier as well.

 

Agechikuden

           

            This part uses paper fans sheeted by a gold wrapper or painted perhaps by gold paint. It is quite dazzling in contrast to the music which is simple but from that simplicity, sprouts the virtue of respect and an attainable enlightenment. Achikuden is masculine in sound and it’s just like Menuhama which is played moderately with some repetitive beats also but doesn’t take too much interval between beats making it slow like Hanafu.

             

Folk songs

 

            The folk songs in Japan are traditionally attributed or owned by the rural class (living in the provinces in equivalent to Philippine society: probinsyano) mostly farmers and/or some poor merchants in the cities. These folk songs were invented to while away time as these rural working people plant rice on their fields, throw nets to the sea, weave cloth and pound grain. Just like the Ifugao have their own song of “pagtatanim,” countryside people in Japan also sing songs to relieve boredom from everyday’s works, to maintain an on-going momentum of happy farming or easy fishing, as an encouragement to do more and live with this strenuous activity until it ends, a self-expression just like one sings in the bathroom while taking a shower or a combination of all mentioned.

 

            Examples are Kanayo Amakawa (8 mins), Hatomi Bushi (3 mins) and Nakuni no Sekai (5 mins) among the many others. The aforementioned folk songs can be similarly characterized having a gay feeling which brings happiness and excitement to the listeners. All major Japanese instruments used here consists of a flute (shakuhachi), a shamisen lute, a koto (13-string zither) and a drum. In this blissful music, the vocal parts have flexible rhythm contrary to the steady and continuous pulses projected by the instruments. To accentuate this excitement and happiness, there’s even a musician who would whistle at some parts in the song.

 

 

Word count: 778

Posted by decomia on July 6, 2008 at 08:51 PM in Reviews | click me to reply =)

Pamagat:Ifugao: Bulubunduking buhay

Direktor at kamera: Fruto Corre

Manunulat ng script: Nancy Pe Rodrigo

Mga editor: Nonoy Dadivas

                    Bianca Gonzales

Mga tagapagsalaysay: Mario O’hara

                                       Pen Medina

Mapanuring buod ng video 

      Maraming ritwal na isinasagawa ang mga Ifugao. Minsan naisip ko, may natatanging kapangyarihan ba ang pagsasagawa ng isang ritwal para magkaroon ng kaganapan ang gusting mangyari? Siguro malapit sa kulam o panggagayuma ang magsagawa ng ritwal. Dahil paniwalang-paniwala ang mga katutubo sa Ifugao rito. Nagkakaroon kasi ng kaganapan ang kanilang mga ninanais – mula man ito sa isang pangkalahatang pagnanais o mula man ito sa kaibuturan ng isang puso ng indibidwal na tao. Ritwal man sa kanila, na “baki” kung tawagin, dasal naman at pagdulog sa Panginoon ang tawag ko rito.

      Sa video ng Ifugao: Bulubunduking buhay, pangunahing palabas sa kwento ang “payoh” o irrigated rice terrace. Ang kamangha-manghang Rice Terraces ng Pilipinas ay matatagpuan sa maraming parte ng Cordillera Region at sa Ifugao, kaakibat ng pag-aalaga ng mga payoh ay pagsasagawa ng mga ritwal. Ang bawat baki ay maaaring taghoy ng pagsusumamo, paghingi ng tulong, panalangin, pagbigay alay o pasasalamat. Sapagkat nakatira sa bundok sa loob ng maraming panahon, animistiko ang uri ng kanilang pananampalataya. Bagaman may pagkakaparehas sila sa paniniwalang Kristyano, na may langit (kabunyan), lupa (pugo) at impyerno (dalum), naiiba naman sila pagdating sa rami ng diyos na sinasamba. Sa ngalan ng hangin pa lang, may mahigit apat-napo na. ngunit sa pananampalatayang Kristyano, iisa lang ang sinasambang Diyos.

 

Iba pang “issues” na natatangi sa video: mga pahayag at kritisismo

a.      Ukol sa maraming diyos-diyosan. Maraming mga espiritu at diyos-diyosan ang mga Ifugao na hinihingan ng tulong. Dahil marahas ang kapaligiran sa kanila (laging may bagyo), at sa hirap ng loob na dinaranas araw-araw (hirap ng buhay sa bundok), tanging kuhanan nila ng pag-asa ay ang paniniwalang may mga nilalang na hindi nakikita at makapangyarihan ang nagbabantay, tumutulong at gumagabay sa kanila sa bawat panganib, laban at desisyong kakaharapin.

b.      Ang Rice Terraces. Kasalungat sa hirap ng loob na nabanggit sa itaas, sinasabi ring kung hindi matatag na mga tao ang taga Ifugao, paano sila makakagawa ng hagdang-hagdang palayan? Oo, sa hirap ng buhay, talagang hindi maiwasang maisip mo lahat ng iyong mga problema at hinanakit sa buhay. Ngunit dahil nagawa ang mga payoh, sumisimbolo iyan sa pagiging matatag, pagkakaroon ng bayanihan at pagmamalasakit ng mga Ifugao. Mahirap nga ang buhay sa bundok. Pero kung nagtutulungan at magkakaisa ang mamamayan, magbubunga ng isang malaki at dakilang obra. (hal. May mga indibidwal na kapag nagkaroon ng puwang sa mga payoh, nilalagyan ito kagad ng bato pangtakip. Noon daw laging inaayos at sadyang inaayos kagad ang mga nasisirang bato/pader sa mga payoh. Ikinalulungkot sabihin ng mga Ifugao na ngayon daw, kahit may puwang na ang mga harang sa payoh, hinahayaan na munang ganoon at aayusin lamang kapag magbibigay ng bayad serbisyo.)

c.       Ukol sa pagnguya ng nganga. Akala ko noon isa lang ang silbi ng nganga at mga matatanda lang ang ngumunguya nito. Akala ko ito’y panlinis ng ngipin. Isang magsasaka sa Ifugao, na may edad 25 hanggang 35 ay namamataan ding ngumunguya ng nganga. Para sa kanya at iba pang magbubukid na maghapong babad sa initan, ang pagnguya pala ng nganga ay pagbibigay sa ngumunguya ng panibagong sigla. Maaring katulad ito ng pagnguya ng bubblegum na kadalasang nakikitang ginagawa ng mga basketbolistang nasa basketball court. Bubblegum man o nganga, may siyentipikong basehan kung bakit ngumunguya ang tao habang nagtratrabaho. Dahil sa iginagalaw natin ang mga panga o “jaw” sa ingles, tumutulong ito sa mabilisan at pagtatalas ng utak. Gaya din ng bubblegum na isang kendi, pwede rin pa lang pantawid gutom ang nganga.

d.      Ukol sa karahasan ng kapaligiran. Nabanggit na dumaranas ng maraming bagyo ang Ifugao. Mula sa tuktok ng bundok pababa sa mga bahayan, sumasama sa agos ng baha ang mga lupa na galing itaas at maraming nasasalantang tanim. Mud slide sa mas kilalang termino ito kung tawagin. Delikado ang ganitong sitwasyon. At saan naman lilikas ang mga tao tuwing may bagyo? Wala ng pupuntahan pa ang mga Ifugao dahil noon pa lang panahon ng kastila, sinubok din pa lang sakupin ang Cordillera Region. Ngunit dahil likas na matatapang at malalakas ang mga katutubong ayta o agta na naninirahan sa Cordillera, hinayaan na lamang ng mga kastila ang mga ito at ibinukod sila sa mga bundok. Dahil sagana sa tubig, lumikha ang mga katutubong agta ng mga payoh na siyang iipit at kakarga ng tubig ulan na galing sa tuktok ng bundok. Di ba’t napakahusay ng kanilang naisip? Dahil ngayon sa sistema ng payoh, ang dating mapamaslang na bagyo ay napapakinabangan ng mga halaman.

e.      Ukol sa maraming klase ng baki. Ang salitang baki ay pangkalahatan. Baki kung baki gaya ng ritwal kung ritwal. Pero may iisang klase lang ba ng ritwal? Bago magtanim, may baki. Habang panahon ng pagtatanim, may baki at sa pagtatapos ng pagtatanim, may baki. Ang holok na uri ng baki, ay may kinalaman sa pagtatanim. Isinasagawa ang holok para  mapigil ang paglitaw ng mga peste sa taniman. Ang mga materyales na ginagamit sa holok baki ay mga dinikdik na iba’t-ibang uri ng halaman. Isinasagawa ito ng mga kababaihan at matapos dikdikin, ito’y isinasabog sa mga payoh. Tatlong araw na hindi muna dapat galawin ng mga magsasaka ang kanilang taniman ayon sa baki. Mayroon ding siyentipikong pahayag na sumusuporta sa ganoong uri ng baki. Ayon sa pagsusuri sa laboratory, ang mga dinikdik na halaman ay sadyang natural na pamatay peste. At kung bakit kinakailangang huwag galawin ang palayan ng tatlong araw, ay dahil aabutin ng tatlong araw bago ubod na kumalat ang natural sa pesticide sa taniman. May tinatawag ring  Ulpi baki. Pinapangunahan ito ng isang mumbaki o pari na nananalangin sa kanilang mga diyos at espiritu na bisitahin ang kanilang mga payoh at sana’y ang palay ay mabuo sa tamang panahon, anihin sa tamang panahon, magkaroon ng mga malulusog na butyl ng bigas at kasama narin ang dalanging iwas peste ang mga tanim. Napaka-importante ng mga baki ng mga Ifugao dahil lubos-lubusan ang kanilang pananampalatayang siya rin naming tutulong sa gawain nila. Kung magbubunga ng masamang palay ang mga payoh nila o kung masisira ito bago pa anihin, paano na lamang ang kikitain nila at ipangbubuhay sa kaniya-kaniyang pamilya?

Posted by decomia on July 9, 2008 at 01:41 AM in Reviews | click me to reply =)

urduja movie poster

      Urduja, ang Pelikula

 

Idinirehe ni: Tony Tuviera

Iprinodyus ng: APT Entertainment Inc.

Animators: 7toons

                     Imaginary Friends

Tauhan: Regine Velasquez (Urduja)

               Cesar Montano (Limhang)

                Eddie Garcia (Lakan)

                Jay Manalo (Simakwel)

                Johnny Delgado (Gen. Wang)

                Ruby Rodriguez (Mayumi)

                Epi Quizon (Daisuke)

                Michael V. (Kukut)

                Allan K. (Tarsir)

Kung may natutunan man ako sa panonood ko ng Urduja, ang Filipino animation na iginuhit ng mga mangguguhit ng 7toons at Imaginary Friends, ay ang ugali na magpatawad. Lahat naman ng tao ay may tsansa pang magbago at baguhin ang kung anuma’y pangit sa kanila. Gaya na lamang ni Limhang na isang piratang instik. Dahil napatawad ito ni Urduja, ang prinsesa ng tribong Tawilisi na kanyang natitipan, naging masaya at payapa ang kanilang pag-iibigan.             

            Ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Urduja: Isang Alamat ng Pag-ibig, noong ika-18 ng Hunyo, araw ng Miyerkules, taon 2008 sa iba’t-ibang sinehan sa lahat ng parte ng Pilipinas. Ang Urduja ay tumutunghay kay Prinsesa Urduja, na pinalaki at hinubog para maging matapang, ng amang isang Lakan (o datu), na pinuno ng maalamat na tribong Tawilisi sa Pangasinan, Hilagang Luzon. Sapagkat ang anak ng Lakan o lakanpati ay isang babae, nais sana nitong makapag-asawa ang anak ng isang matipuno, matikas at magaling na lalaki upang humalili kay Urduja sa trono at – mapamunuan ng husto ang kanilang tribo. Si Simakwel, na isang katutubo ang napipisil ng ama ngunit hindi siya gusto ni Urduja at kung masusunod ang gusto, hindi siya magpapakasal, o makikipag-isang dibdib rito.

            Samantala, isang piratang intsik naman na naglalayag sa dagat tsina, at katatakas pa lamang kay Gen. Wang, ang napadpad sa dalampasigan ng Pangasinan. Sa nakita nitong isla, siya ay nabighani at nagpasya munang libutin ang paligiran. Nagkataon na naliligo noon sa isang lawa si Urduja at namataan ito ni Limhang, ang pirating intsik. Doon unang nagtagpo ang dalawa at lalo pang natali sa isa’t-isa ng matamaan ng pana sa likod si Limhang dahil iniligtas nito si Urduja.

 

 Mga Napuna Ko sa Pelikula at Istorya:

 

a.      Alamat ni Urduja. Sapagkat nangyari ito sinaunang panahon sa Pilipinas, walang mga ebidensya sa pamamagitan ng mga kasulatan na ito’y totoo. Kaya ito isang alamat ay sa kadahilanang si Urduja, at mga kasapi sa kwento ay kilalang “tao” (bilang prinsesa ng tribong Tawilisi) na namuhay sa isang kilalang lugar (Pangasinan) sa isang nasasabi o definite na panahon (ika-14 siglo umano). Ang ipinagkaiba ng alamat sa mitolohiya, na bagaman kinikwestyon rin ang pagiging totoo (authenticity) ay una, kilala ang personalidad, ang lugar at ang mga pangyayari ay naganap sa mas bagong panahon (recent). Samantala, hindi maaring maging mitolohiya ang kwento ni Urduja dahil hindi siya isang super natyural gaya ni Maria Makiling o Mariang Sinukob na mga diyosa ng kalikasan. Kaya’t hanggang ngayon, isang debate pa rin kung isasali ba sa kasaysayan ng Pilipinas si Urduja. Siguro, ngayon niyo lamang narinig ang kanyang pangalan gaya ko. Kailanman ay hindi ko nabasa sa aking elementary books, maging sa librong KASAYSAYAN, 10 Aralin, na gawa pa mismo ng ilang kasaysayan UP professors. Sa lahat ng ito, ano ba ang silbi at aral ng alamat ni Urduja para sa kasaysayan ng Pilipinas at para sa kapakanan ng bawat Pilipino?

 b.      Pagpapalinang ng kasaysayan. Sadyang punong-puno ng mga kwentong bayan ang mga Pilipino at sagana sa kultura ang Pilipinas. Ang akala ng marami sa mga kabataan ngayon ay wala talagang kultura ang mga Pilipino dahil natutunan natin na tayo’y sinakop ng mga kastila at kanilang naging kolonya sa halos tatlompung daan at tatlompu’t tatlong taon (333). Ngunit subukin niyong tanungin ang inyong mga magulang: tatay o nanay, lolo o lola, asahan mong may isasagot sila at – kilala nila si Urduja! Ang sabi ng tatay ko, kasama daw umano si Urduja sa isang samahan ng mga kababaihan gaya ng mga amazona o ang kasalukuyang partido ng Gabriela (hango sa babaeng bayaning si Gabriela Silang, asawa ni Diego Silang). Ayon sa mga nakalap kong impormasyon, sinubok din ng mga peminista na buhayin ang kwento ni Urduja ngunit nagtumigil sila dahil marami ng pinabulaanan ang kwento ni Ibn Batuta, taga India, na tungkol kay Urduja dahil ayon din sa scholar na si Henry Yule, ang lugar na Tawilisi sa Pangasinan ay maaaring matatagpuan lamang sa isang gawa-gawang/kathang-isip na mapa (Guilliver geography - hango sa kwentong Guilliver’s Travel ng manunulat na si Jonathan Swift).

 c.       Si Limhang, ang piratang intsik. Si Limhang ay kilala ring Limahong. Sinasabi sa kasaysayan na si Limahong ay tumira sa mga budok ng Cordillera region at doon, nakapag-asawa at nagka-anak. Hindi lamang siya, na isang intsik, ang nanirahan roon. Pati mga kasapi na sundalong pirata/ manggagawang intsik ay nagsipag tirahan rin at nakabuo ng pamilya sa bundok. Maaaring maging basehan niyan ay ang pagiging singkit ng mga Igorot. Pansinin ninyo ang artistang si Marky Cielo na nanalo sa isang artista-based reality search ng GMA7. Hindi nga ba’t singkit ang mga mata ni Marky? Magulo ang mga kwento patungkol kay Limahon. May nagsabi rin na nagsipag-uwian rin ang mga intsik matapos sila mapatalsik ng mga kastila na nasa Maynila na noon. Ipasantabi na natin ang kwento ng mga pirating intsi at pansinin na lamang ang pag-iibigan nila ni Urduja na ipinalabas sa pelikula. Ito ang nagbigay liwanag sa aking pag-iisip. Nalaman kong hindi magkapanahon si Urduja at Limhang. At sinubok ring sakupin ni Limhang ang Maynila – kaya lang, sila ang napatalsik ng mga kastila. Ang pagsakop na ito ay nangyari noong ika – 16 siglo ng taon 1574, siyam na taon matapos gawing teritoryo ng Espanya ang Pilipinas (1565). Hindi rin nagngangalang Urduja ang napangasawa nito kundi isa ring prinsesa sa Lingayen na nagngangalang Kabuntatala na may ibigsabihin na ‘maagang bituin sa umaga.’ Nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Quimzon na ninuno ni Juan Quimzon, alkalde mayor ng Aguilar town at lolo ng naging gobernador ng Pangasinan na si Francisco Quimzon Duque. Hindi ko kilala sa personal ang mga nabanggit dahil hindi ako tubong Pangasinan. Kung papipiliin ako, iisipin kong isang totoong tao si Limahong at hindi alamat lamang.

 d.      Ang dagang nakapagpasabog ng barko. Hindi lamang nakapagpasabog ng isang barko ang dagang ito, nagpapalit rin siya ng mga baraha para manalo sa laro si Limhang tuwing ito’y makikipagpustahan sa kapwa niya mga pirata. Mahilig rin sa limpak-limpak na ginto ang dagang si Kukut at kumakanta pa! Kagulatgulat ang karakter ng hayop na ito dahil kung sakaling isang bulag ang makikinig sa pelikula, aakalain nitong tao ang nasabing daga.

 e.  Pamahiin ng pagkatok sa kahoy. Ayon sa pamahiing pinoy, kung ayaw mong mangyari ang isang katagang nabanggit ay kumatok ka sa kahoy. Napuna ko  ito sa pelikula ng sabihin ni Mayumi ang mga katagang, “malay mo lumindol” sa araw ng kasal nina Urduja at Simakwel. Kasabay ng pagsabi niya noon ay pagkatok sa hawak na kawayan at natawa ako roon. Pinoy na pinoy nga ang animation na Urduja: Isang Alamat ng Pag-ibig. Kaya kung halimbawang makabanggit ka ng masamang hangarin at ayaw mo itong mangyari, humanap lang ng kahoy at kumatok.

Posted by decomia on July 9, 2008 at 02:41 AM in Reviews | click me to reply =)
« 2008/06 · 2008/08 »