Entries for August, 2009

i say, you read below Willie's dialogue below; I inserted a quote. And then, watch the show again (via youtube).

<quote>

"dale (sandali), meron akong ano, sa ating ano, hindi naman sa ano kasi, hindi naman sigurong magandang tignan pinapakita niyo 'yan, [nagsasaya] kami tapos pinapakita 'yung... (willie can't hardly speak) i don't think na dapat pakita 'yan ng management and mahihirapan akong magpasaya rito nakikita ko 'yung ano (ano daw?? hehe do not get disturbed in this statement) ng tita Cory. Sana patanggal naman muna 'yan (silence)... sa ating t-trapik. Kung ganyan, pakita na lang natin 'yan (see, he offered to replace his show with the procession). Nagsasaya kami dito 'tas masakit sa 'kin 'yan e. (this is the time when the 2 insets were removed). Nagsasalita ako dito please sana maintindihan niyo nagsasaya kami ipapakita niyo yong.. di'ba? Hindi tama e.. ok? 'Di 'ba? (ngongo na si Willie magsalita kasi umiiyak na e)"

Kung kayong mga tao ang nasa katauhan/kalagayan ni Willlie, kayo ang host kumbaga at ang tema ng show ninyo ay pagpapatawa, furthermore, kasiyahan, at kaibigan niyo rin naman ang kanyang anak na si Kris - bukod pa 'don malapit ka rin naman sa ina (Cory A.), ano ang mararamdaman niyo? Habang nakikita niyo sa monitor sa loob ng inyong studio ang eksenang ganon na paglilipat ng bangkay?

Ako mismo napanood ko. Kasi 'yang portion na 'yan na Willie of Fortune ay kasali ang anak ng driver ko kaya inabangan namin 'yan. At nakita ko at nasabi ko sa sarili, "bakit isinisingit 'yong funeral procession sa show ni Willlie?" Parang hindi nga maganda kasi nga tayong mga Pilipino alam natin kapag meron tayong kapitbahay na nakaburol, diba iniiwasan nating magpatugtog ng malakas at nang masasayang tugtog? At 'pag may dumaan na procession ng patay sa kalsada tumatahimik din tayo upang paggalang. Yung ginawa ni Willie, tama lang 'yan at 'yun ang nararamdaman niya - masakit rin sa kanya 'yon - nagdadalamhati din siya. Trabaho niya naman ang ginagawa niya naka-live show pa. Edi sana hindi nalang nagpalabas ng Wowowee. Hindi lang naabot ng isip ng management ng ABS-CBN na huwag dapat isingit o pagsabayin sa monitor 'yung nangyayari sa funaral procession. Pwede naman sa commercial break o bigyan ng oras talaga para sa news break. Pinalaki lang ng media ang nangyaring 'yan at mga taong naiinggit kay Willie. ~RVC.

 

<video>

http://www.youtube.com/watch?v=bxhnMQZEAgs&feature=related

Currently watching: Wiilie's statement on Youtube
Currently feeling: amused
Posted by decomia on August 10, 2009 at 10:48 AM | 2 clicked me more
« 2008/10 · 2009/10 »