Batac at Vigan
Essay patungkol sa mga artfroms, espasyo , arkitektura, prominenteng gusali at tao
Ang Batac at Vigan ay 2 nayon na may layong 57.11 kilometro sa bawat isa. Matatagpuan ang mga lugar na ito sa Ilocos Norte. Sagana ang mga nabanggit na lugar ng mga interesanteng art forms, espasyo, arkitektura at gusali na nagpapayaman sa ating kultural na identidad. Ang mga itsura ng bahay doon ay halo – may luma na tradisyunal at may bago na siyang tinatawag na moderno sa usaping arkitektura.
Sa Batac ang masasabi kong art form ay yaong paggawa ng empanada. Mas matatawg siguro natin itong culinary art form. Kilala naman kasi ang nayon ng Batac sa paggawa noon. May distinct characteristics ang kanilang empanada: iba ang gawa, iba ang sahog, iba ang kulay, atbp. May pumukaw ng aking atensyon sa bilihan ng mga kulay yellow-orange na empanada. May float ng isang teddy bear na kulay yellow-oange din mismo sa harap ng bilihan. Bakit ang oso ang ginamit na simbolo o imahe ng pagpropromote ng mga empanada? Ano kaya ang relasyon ng oso sa empanada?
Sa Vigan naman isa sa art form nila doon ay pagbuburnayan. Ibig sabihin nito ay clay pottery. Masasabi kong kilala ang Vigan dahil sa art form na ito na patuloy na ginagawa doon. Isa pang art form nila ay weaving na gumagamit ng loom.
Pagdating sa pagkonsumo, Sa empanadahan, kahit sino pwedeng kumonsumo nito. Pero mas iniintroduce ito at ibinibenta sa mga turista kasi una, tingin ko halos lahat ng taga Batac alam kung paano gawin ‘yung “espesyal” nilang empanada at pangalawa, binibili talaga ito ng mga turista para subukan at tikman dahil tanging sa Batac ka lamang makakakita at makakatikim ng ganoon. Sumakabila, alam naman natin na mahal ang mga pots at jars. Sa niresearch ko sa internet, binibenta ang burnay (banga) na hindi ko alam ang quantity, glazed na at may taas na siguro mga 14 inches at may circumference ng pinakamalaking bilog (sa gitna) ay mga 9 inches. Ang presyo ay 5 libo. Tipong pang turista ang presyo at yung tipong ibabyahe patungo sa Maynila.
Ukol espasyo at mga prominenteng gusali, may malawak na lupain ang Batac. Walang plaza pero malalapad ang area na pinalilibutan ng Sarrat Church na pinaganda noong ikasal si Irene Marcos ngunit giniba ulit ng lindol (pero hindi naman tuluyang nawasak), ang Simbahan ng Aglipayan o ang tinatawag ding Philippine Independent Church kung saan may museo rin para sa mga kagamitang pangsimbahan, pangpari at iba’t-ibang skultura ng mga santo, ang bilihan ng empanada at iba pang establishimento. Mukha ngang river banks sa Marikina yung bilihan ng empanada dahil may mga kainan pa katapat ang tanawin ng ilog. Syempre ang Balai Ti Ili na ancestral house ng mga Marcos ay nasa Batac rin. Katabi pa nga noon ang malaking mausoleum o bahay-himlayan ng katawan ng dating pangulong Marcos. Makikita parin doon ang mala-mannequin ng nakahimlay na katawan ng dating pangulo sapagkat hindi siya hahayaang mailibing kung hindi rin lang sa libingan ng mga bayani sa Fort Bonifacio, Makati. Maganda ang lugar na iyon pero dahil sa walang parke, mas papaboran ko siguro ang plaza Salcedo sa Vigan.
Ang espasyo sa Vigan parikular sa plaza Salcedo ay malawak rin gaya sa Batac. Sa gitna ay may parke – na may monument at halamanan, upuan, atbp. At pinapalibutan ito ng simbahan, ang St. Paul Metropolitan Cathedral, mga kainan tulad ng Jollibee, Chowking at iba pang local na restawran. Syempre, kung bakit pamoso rin ang lugar na iyon dahil ang Calle Crisologo – ang masasabi kong representing image ng Vigan ay konektado sa plaza! Alam na nating lahat na sa Calle Crisologo madalas magshooting ang mga gumagawa ng pelikula lalo na kung Pilipinas sa panahon ng Kastila ang kailangang ipakita. Maganda ang mga feedback ng mga turistang nakapunta na doon. Napanatili ang mga bahay na bato na ginawa na ring villa para pahingahan ng mga turista at mga shops para makabili ng samu’t-saring Vigan souvenirs.
Ang lahat ng kagandahan sa Batac at Vigan ay dapat mapanindigan din nang kagandahan ng ugali na magmumula sa mga taong residente doon. Dahil kung maganda nga ang mga gusali na naroon ngunit tinitirhan naman ng mga unwelcoming at mayayabang na tao, mawawala rin ang kagandahan ng buong lugar. Pero masasabi ko namang ang mga residente sa 2 lugar ay kapwa proud sa kanilang kultura, welcoming, accomodating at mabait sa mga turista. Kapwa Filipino nagsisilbi sa kapwa Filipino – iyon ang maipagmamalaki ng mga Ilokano sa ibang ethnicity sa Pilipinas!